Magkaroon ng Karunungan sa Anumang Paraan
1 Mga anak, pakinggan ninyong mabuti
ang mga pagtutuwid ng inyong ama
sa inyong pag-uugali,
upang lumawak
ang inyong pang-unawa.
2 Mabuti ang itinuturo kong ito,
kaya huwag ninyong ipagwalang bahala.
3 Noong bata pa ako
at nasa piling pa ng aking mga magulang,
mahal na mahal ako ng aking ina
bilang nag-iisang anak.
4 Tinuruan ako ni ama.
Sinabi niya sa akin,
"Anak, ingatan mo sa iyong puso
ang mga itinuturo ko.
Sundin mo ang mga utos ko
at mabubuhay ka nang matagal.
5 Pagsikapan mong magkaroon
ng karunungan at pang-unawa.
Huwag mong kalilimutan
ang mga sinasabi ko
at huwag kang hihiwalay dito.
6 Huwag mong tanggihan ang karunungan,
sa halip pahalagahan mo ito,
dahil iingatan ka nito.