Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Kawikaan 4:5-8

OASD Ang Salita ng Diyos

5 Pagsikapan mong magkaroon

ng karunungan at pang-unawa.

Huwag mong kalilimutan

ang mga sinasabi ko

at huwag kang hihiwalay dito.

6 Huwag mong tanggihan ang karunungan,

sa halip pahalagahan mo ito,

dahil iingatan ka nito.

7 Pinakamahalaga sa lahat

ang karunungan at pang-unawa.

Sikapin mong magkaroon nito

kahit na maubos pa ang lahat

ng kayamanan mo.

8 Tanggapin moʼt pahalagahan

ang karunungan,

dahil magbibigay ito

sa iyo ng karangalan.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    5 Kaw. 2:2,3.Magtamo ka ng karunungan, magtamo ka ng kaunawaan;

    Huwag mong kalimutan, ni humiwalay man sa mga salita ng aking bibig:

    6 Huwag mo siyang pabayaan at iingatan ka niya;

    2 Tes. 2:10.Ibigin mo siya at iingatan ka niya.

    7 Karunungan ay pinaka pangulong bagay; kaya’t kunin mo ang karunungan:

    Oo, sa lahat mong kukunin ay kunin mo ang unawa.

    8 1 Sam. 2:30.Iyong ibunyi siya, at kaniyang itataas ka:

    Kaniyang dadalhin ka sa karangalan, pagka iyong niyakap siya.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.