Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Kawikaan 6:1-5

OASD Ang Salita ng Diyos

Babala Laban sa Kahangalan

1 Anak, kung nangako kang panagutan

ang pagkakautang ng iba,

kung nakipagkasundo ka

sa isang hindi mo kilala,

2 kung ikaw ay naipit sa iyong mga sinabi

at nabitag ng iyong mga salita,

3 ito ang gawin mo upang ikaw ay lumaya

dahil tuluyan ka nang nahulog

sa kamay ng iyong kapwa:

Puntahan mo siya at ikaw

ay magpakumbaba,

pakiusapan mo siya

hanggang sa palayain ka.

4 Huwag mo nang ipagpaliban,

gawin mo na ngayon.

Huwag mong hayaang

ikaʼy makatulog.

5 Palayain mo ang iyong sarili

tulad ng isang ibon o usa

na nakawala sa bitag

ng isang mangangaso.

Em outras traduções

  1. ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

    1 Anak ko, Kaw. 11:15;17:18;20:16;22:26;27:13.kung ikaw ay naging mananagot sa iyong kapuwa,

    Kung iyong ikinamay ang iyong kamay sa di kilala,

    2 Ikaw ay nasilo ng mga salita ng iyong bibig,

    Ikaw ay nahuli ng mga salita ng iyong bibig.

    3 Gawin mo ito ngayon, anak ko, at lumigtas ka,

    Yamang ikaw ay nahulog sa kamay ng iyong kapuwa:

    Yumaon ka, magpakababa ka, at mangayupapa ka sa iyong kapuwa.

    4 Awit 132:4.Huwag mong bigyan ng tulog ang iyong mga mata.

    O magpaidlip man sa iyong mga talukap-mata.

    5 Lumigtas ka na parang usa sa kamay ng mangangaso,

    At Awit 91:3;124:7.parang ibon sa kamay ng mamimitag.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.