Ang Bagong Langit at ang Bagong Lupa
17 "Makinig kayo! Gagawa ako
ng bagong langit at bagong lupa.
Ang dating langit at lupa
ay kakalimutan na.
18 Kaya magalak kayo at magdiwang
nang walang hanggan sa aking gagawin.
Sapagkat ang Jerusalem
ay gagawin kong kagalakan ng mga tao,
at ang kanyang mga mamamayan
ay magbibigay din ng kagalakan.
19 Magagalak ako sa Jerusalem
at sa kanyang mga mamamayan.
Hindi na maririnig doon ang iyakan
at paghingi ng tulong o mga pagdaing.