Ang Kahalagahan ng Karunungan
1 Anak, tanggapin at ingatan mo sa iyong puso
ang mga itinuturo at iniuutos ko sa iyo.
2 Pakinggan mo kung ano
ang makapagbibigay sa iyo
ng karunungan at kaalaman.
3 Manawagan ka
upang ikaʼy maging marunong,
at magsumamo ka
upang ikaʼy makaunawa
4 na parang naghahanap ka ng pilak
o anumang nakatagong kayamanan.
5 Kung gagawin mo ito, malalaman mo
kung ano ang pagkatakot sa Panginoon
at mauunawaan mo ang tungkol sa kanya.
6 Sapagkat ang Panginoon
ang nagbibigay ng karunungan,
kaalaman, at ng pang-unawa.