Ika-labimpitong Kawikaan
22 Makinig ka sa iyong ama
na pinanggalingan ng iyong buhay,
at huwag mong hamakin ang iyong ina
kapag siya ay matanda na.
23 Pagsikapan mong mapasaiyo
ang katotohanan, karunungan,
magandang pag-uugali at pang-unawa.
At huwag mo itong ipagpapalit
sa anumang bagay.