Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Kawikaan 31:10,13-18,20,24

10 Mahirap hanapin ang mabuting asawa.

Higit pa sa mamahaling alahas

ang kanyang halaga.

13 Masigasig siyang humahabi

ng mga telang lino at lana.

14 Tulad siya ng barko

ng mga mangangalakal;

nagdadala siya ng mga pagkain

kahit galing pa siya sa malayong lugar.

15 Maaga siyang gumigising

upang ipaghanda ng pagkain

ang kanyang pamilya,

at para sabihan ang mga babaeng katulong

ng mga dapat nilang gawin.

16 Marunong siyang pumili ng lupa

na kanyang bibilhin.

At mula sa kanyang sariling ipon,

pinapataniman niya ito ng ubas.

17 Malakas, masipag

at mabilis siyang gumawa.

18 Magaling siyang magnegosyo,

at matiyagang nagtatrabaho

hanggang gabi.

20 Matulungin siya sa mahihirap

at mga nangangailangan.

24 Gumagawa rin siya ng damit at sinturon,

at ipinagbibili sa mga mangangalakal.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.