Publicidade

Provérbios 5

8 Lumayo kayo sa babaeng masama,

at huwag kayong lumapit sa pintuan

ng kanyang bahay.

9 Dahil baka masira ang inyong dangal

at mapunta sa iba,

at mamatay kayo sa kamay

ng mga taong walang awa.

10 At ang lahat ng kayamanan ninyo

at ang inyong mga pinagpaguran

ay mapupunta sa iba,

sa mga taong hindi ninyo kilala.

11 Saka kayo mananangis

kapag malapit na kayong mamatay,

kapag butoʼt balat na lamang

at wala nang lakas.

12 Saka ninyo sasabihin,

"Sayang hindi ko kasi pinansin

ang mga pagtutuwid sa akin;

nagmatigas ako at sinunod ang gusto ko.

13 Hindi ako nakinig sa aking mga guro,

at hindi nagbigay-pansin

sa aking mga tagapayo.

14 Kaya ngayon, narito ako

sa gitna ng kapahamakan

at kahihiyan."

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-