Kapag Itinakwil ang Karunungan
20 Ang karunungan ay sumisigaw
sa lansangan,
sa pamilihan siya ay humihiyaw.
21 Nilalakasan niya ang kanyang boses
sa plasa at sa pintuang-bayan
at nagsasabing:
22 "Kayong mga walang alam,
hanggang kailan kayo
mananatiling ganyan?
Kayong mga nanunuya,
hanggang kailan kayo matutuwa
sa inyong panunuya?
Kayong mga hangal,
hanggang kailan ninyo
tatanggihan ang karunungan?
23 Pakinggan ninyo
ang pagsaway ko sa inyo.
Sasabihin ko sa inyo
kung ano ang iniisip ko.
Ipapaalam ko sa inyo
ang aking sasabihin laban sa inyo,