Ikalabing-anim na Kawikaan
19 Anak, pakinggan mo
ang itinuturo ko sa iyo.
Maging matalino ka
at sundin mo ang tamang daan.
20 Huwag kang makikisama
sa mga hayok sa alak
o sa mga matatakaw sa pagkain,
21 sapagkat ang mga lasenggo
at matatakaw
ay hahantong sa kahirapan,
at dahil tulog sila nang tulog,
sa bandang huliʼy magdadamit
sila ng basahan.
Ika-labimpitong Kawikaan
22 Makinig ka sa iyong ama
na pinanggalingan ng iyong buhay,
at huwag mong hamakin ang iyong ina
kapag siya ay matanda na.