10 Mahirap hanapin ang mabuting asawa.
Higit pa sa mamahaling alahas
ang kanyang halaga.
11 Lubos ang tiwala sa kanya
ng kanyang asawa,
at wala na itong mahihiling pa sa kanya.
12 Kabutihan at hindi kasamaan
ang ginagawa niya
sa kanyang asawa habang siya
ay nabubuhay.