Pular para o conteúdo
Publicidade

Provérbios 1

1 Ito ang mga kawikaan ni Solomon na anak ni David, hari ng Israel.

2 Sa pamamagitan ng mga kawikaang ito,

magkakaroon ka ng karunungan,

maitutuwid ang iyong ugali

at iyong mauunawaan

ang mga aral na sa iyoʼy

magbibigay karunungan.

3 Sa pamamagitan din nitoʼy magiging disiplinado ka,

dahil itinuturo nito ang matuwid

na paraan ng pamumuhay,

mabuting pag-uugali, paggawa ng tama,

at pagiging makatarungan.

4 Makapagbibigay ito ng karunungan

sa mga walang kaalaman

at sa kabataaʼy magtuturo

ng tamang pagpapasya.

5 Sa pakikinig nito, ang marunong

ay lalong magiging marunong

at ang may pinag-aralan

ay magiging dalubhasa

6 sa pag-unawa sa kahulugan

ng mga kawikaan,

mga talinghaga, at mga bugtong

ng marurunong.

Veja também