Pular para o conteúdo
Publicidade

Mga Kawikaan 31

10 Mahirap hanapin ang mabuting asawa.

Higit pa sa mamahaling alahas

ang kanyang halaga.

11 Lubos ang tiwala sa kanya

ng kanyang asawa,

at wala na itong mahihiling pa sa kanya.

12 Kabutihan at hindi kasamaan

ang ginagawa niya

sa kanyang asawa habang siya

ay nabubuhay.

13 Masigasig siyang humahabi

ng mga telang lino at lana.

14 Tulad siya ng barko

ng mga mangangalakal;

nagdadala siya ng mga pagkain

kahit galing pa siya sa malayong lugar.

15 Maaga siyang gumigising

upang ipaghanda ng pagkain

ang kanyang pamilya,

at para sabihan ang mga babaeng katulong

ng mga dapat nilang gawin.

16 Marunong siyang pumili ng lupa

na kanyang bibilhin.

At mula sa kanyang sariling ipon,

pinapataniman niya ito ng ubas.

17 Malakas, masipag

at mabilis siyang gumawa.

18 Magaling siyang magnegosyo,

at matiyagang nagtatrabaho

hanggang gabi.

19 Sa kanyang kamay

ay hawak niya ang sinulid,

at nakakapit sa panghabi

ang kanyang mga daliri.

20 Matulungin siya sa mahihirap

at mga nangangailangan.

21 Hindi siya nag-aalala,

dumating man ang taglamig,

dahil may makakapal siyang tela

para sa kanyang pamilya.

22 Siya na rin ang gumagawa

ng mga kobre-kama,

at ang kanyang mga damit

ay gawa sa pinong lino

at lanang kulay ube.

23 Kilala ang asawa niya bilang isa

sa mga tagapamahala ng bayan.

24 Gumagawa rin siya ng damit at sinturon,

at ipinagbibili sa mga mangangalakal.

25 Malakas at iginagalang siya,

at hindi siya nangangamba

para sa kinabukasan.

26 Nagsasalita siya nang may karunungan,

at nagtuturo nang may kabutihan.

27 Masipag siya,

at inaalagaang mabuti

ang kanyang pamilya.

28 Pinupuri siya ng kanyang mga anak,

at pinupuri rin ng kanyang kabiyak

na nagsasabi,

29 "Maraming mga babae ang mahuhusay,

subalit sa iyo ay walang makapapantay."

30 Ang pagiging kaakit-akit

ay makapandaraya,

at ang kagandahan

ay kumukupas.

Ngunit ang babaeng may takot sa Panginoon

ay dapat purihin.

31 Dapat siyang gantimpalaan

sa kanyang ginawang kabutihan

at parangalan sa karamihan.

Veja também