13 Masigasig siyang humahabi
ng mga telang lino at lana.
14 Tulad siya ng barko
ng mga mangangalakal;
nagdadala siya ng mga pagkain
kahit galing pa siya sa malayong lugar.
15 Maaga siyang gumigising
upang ipaghanda ng pagkain
ang kanyang pamilya,
at para sabihan ang mga babaeng katulong
ng mga dapat nilang gawin.
16 Marunong siyang pumili ng lupa
na kanyang bibilhin.
At mula sa kanyang sariling ipon,
pinapataniman niya ito ng ubas.
17 Malakas, masipag
at mabilis siyang gumawa.
18 Magaling siyang magnegosyo,
at matiyagang nagtatrabaho
hanggang gabi.
19 Sa kanyang kamay
ay hawak niya ang sinulid,
at nakakapit sa panghabi
ang kanyang mga daliri.
20 Matulungin siya sa mahihirap
at mga nangangailangan.