Publicidade

Provérbios 5

3 Ang salita ng masamang babae

ay kasintamis ng pulot

at banayad tulad ng langis.

4 Ngunit pagkatapos ay pait at sakit

ang iyong makakamit

na para bang sugat na mula

sa espadang magkabila ang talim.

5 Kung susunod ka sa kanya,

dadalhin ka niya sa kapahamakan,

sapagkat ang nilalakaran niya

ay patungo sa kamatayan.

6 Hindi niya pinapansin

ang daan patungo sa buhay.

Ang dinadaanan niyaʼy liku-liko

at hindi niya ito nalalaman.

7 Kaya mga anak,

pakinggan ninyo ako at sundin.

8 Lumayo kayo sa babaeng masama,

at huwag kayong lumapit sa pintuan

ng kanyang bahay.

9 Dahil baka masira ang inyong dangal

at mapunta sa iba,

at mamatay kayo sa kamay

ng mga taong walang awa.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-