Publicidade

Provérbios 31

10 Mahirap hanapin ang mabuting asawa.

Higit pa sa mamahaling alahas

ang kanyang halaga.

11 Lubos ang tiwala sa kanya

ng kanyang asawa,

at wala na itong mahihiling pa sa kanya.

12 Kabutihan at hindi kasamaan

ang ginagawa niya

sa kanyang asawa habang siya

ay nabubuhay.

13 Masigasig siyang humahabi

ng mga telang lino at lana.

14 Tulad siya ng barko

ng mga mangangalakal;

nagdadala siya ng mga pagkain

kahit galing pa siya sa malayong lugar.

15 Maaga siyang gumigising

upang ipaghanda ng pagkain

ang kanyang pamilya,

at para sabihan ang mga babaeng katulong

ng mga dapat nilang gawin.

16 Marunong siyang pumili ng lupa

na kanyang bibilhin.

At mula sa kanyang sariling ipon,

pinapataniman niya ito ng ubas.

17 Malakas, masipag

at mabilis siyang gumawa.

18 Magaling siyang magnegosyo,

at matiyagang nagtatrabaho

hanggang gabi.

19 Sa kanyang kamay

ay hawak niya ang sinulid,

at nakakapit sa panghabi

ang kanyang mga daliri.

20 Matulungin siya sa mahihirap

at mga nangangailangan.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-