4 "Nasaan ka noong itinatag ko
ang pundasyon ng daigdig?
Sabihin mo kung iyong nauunawaan.
5 Alam mo ba kung sino ang nagpasya
ng magiging lawak ng pundasyon
at sukat nito?
8 "Sino ang naglagay ng hangganan sa dagat
nang bumulwak ito mula sa kailaliman?
12 "Nautusan mo na ba
ang umaga na magliwanag,
o ituro sa bukang-liwayway
kung saan siya sisikat?
31 "Kaya mo pagkumpul-kumpulin
ang mga bituin ng Pleyades
o ikalat ang mga bituin ng Orion?