Ang Matuwid na Pamumuhay ni Job
1 May isang lalaking nakatira sa lupain ng Uz na ang pangalan ay Job. Walang kapintasan ang kanyang pamumuhay at siya ay matuwid; may takot siya sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. 2 Mayroon siyang pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae. 3 Mayroon siyang 7,000 tupa, 3,000 kamelyo, 500 pares ng baka at 500 asnong babae. Marami din siyang alipin. Siya ang pinakamayaman sa buong silangan ng Israel.