4 "Nasaan ka noong itinatag ko
ang pundasyon ng daigdig?
Sabihin mo kung iyong nauunawaan.
5 Alam mo ba kung sino ang nagpasya
ng magiging lawak ng pundasyon
at sukat nito?
6 Sino ang may hawak
ng pundasyon ng mundo?
At sino ang naglagay ng pundasyon na ito
7 habang sama-samang umaawit
ang mga bituin sa umaga
at nagsisigawan sa tuwa
ang lahat ng anghel?38:7 lahat ng anghel: Sa literal, lahat ng anak ng Diyos.
8 "Sino ang naglagay ng hangganan sa dagat
nang bumulwak ito mula sa kailaliman?
9 Ako ang naglagay ng makapal na ulap
at kadiliman bilang takip ng dagat.
10 Itinakda ko ang hangganan ang dagat;
parang pintuang isinara
at nilagyan ng tarangka.
11 Sinabihan ko ang dagat,
‘Hanggang dito ka lang
at huwag kang lalampas;
hanggang dito lang ang malalaki mong alon.’