UNANG AKLAT
1 Mapalad ang tao na hindi lumalakad sa payo ng masama,
Ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan,
Ni nauupo man sa Luc. 20:42;Gawa 1:20.upuan ng mga Kaw. 1:22.manglilibak.
2 Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon;
At Awit 119:1,97.sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi.
3 At siya’y magiging Blg. 24:6.parang punong kahoy na itinanim sa siping ng mga agos ng tubig,
Na nagbubunga sa kaniyang kapanahunan,
Ang kaniyang dahon nama’y hindi malalanta;
At anomang kaniyang gawin ay Gen. 39:3,23.giginhawa.
4 Ang masama ay hindi gayon; Kundi Job 21:18;Awit 35:5;Is. 29:5.parang ipa na itinataboy ng hangin.
5 Kaya’t ang masama ay hindi Awit 5:5;Nah. 1:6.tatayo sa paghatol,
Ni ang mga makasalanan man sa kapisanan ng mga matuwid.
6 Sapagka’t nalalaman ng Awit 37:18;Nah. 1:7;Juan 10:14.Panginoon ang lakad ng mga matuwid:
Nguni’t ang lakad ng masama ay mapapahamak.