Publicidade

Salmos 102

Dalangin ng nagdadalamhati, nang nanglulupaypay, at ibinubugso ang kaniyang daing sa harap ng Panginoon.

1 Dinggin mo ang dalangin ko, Oh Panginoon,

At dumating nawa ang daing ko sa iyo.

2 Awit 27:9.Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan:

Awit 86:1.Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin;

Sa araw na ako’y tumawag, ay sagutin mo akong madali.

3 Sant. 4:14.Sapagka’t ang mga kaarawan ko’y nangapapawi na parang usok,

At Job 30:30.ang mga buto ko’y nangasusunog na parang panggatong.

4 Ang puso ko’y nasaktan na parang damo, at Awit 37:2.natuyo;

Sapagka’t 1 Sam. 1:7.nalimutan kong kanin ang aking tinapay.

5 Dahil sa tinig ng aking daing

Ang mga buto ko’y nagsisidikit sa aking laman.

6 Ako’y parang pelikano sa ilang;

Ako’y naging parang kuwago sa kaparangan.

7 Ako’y umaabang, at ako’y naging parang maya

Na nagiisa sa bubungan.

8 Dinudusta ako ng aking mga kaaway buong araw;

Silang nangauulol laban sa akin ay nagsisisumpa sa akin.

9 Sapagka’t kinain ko ang mga abo na parang tinapay,

At hinaluan ko ang Awit 42:3;80:5.aking inumin ng iyak.

10 Dahil sa iyong galit at iyong poot:

Sapagka’t ako’y iyong itinaas, at inihagis.

11 Job 14:2.Ang aking mga kaarawan ay parang lilim na kumikiling;

At ako’y natuyo na parang damo.

12 Nguni’t Awit 9:7.ikaw, Oh Panginoon, ay mamamalagi magpakailan man;

At Awit 135:13.ang alaala sa iyo ay sa lahat ng sali’t saling lahi.

13 Ikaw ay babangon at Is. 60:10;Zac. 1:12.maaawa sa Sion:

Sapagka’t kapanahunan ng pagkaawa sa kaniya,

Oo, Is. 40:2.ang takdang panahon ay dumating.

14 Sapagka’t nililigaya ang iyong mga lingkod sa kaniyang mga bato,

At nanghihinayang sa kaniyang alabok.

15 Sa gayo’y katatakutan ng mga bansa ang 1 Hari 8:43.pangalan ng Panginoon.

At ng lahat ng hari sa lupa ang iyong kaluwalhatian;

16 Sapagka’t itinayo ng Panginoon ang Sion,

Siya’y napakita Is. 60:2.sa kaniyang kaluwalhatian;

17 Neh. 1:6,11.Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon,

At hindi hinamak ang kanilang dalangin.

18 Ito’y Rom. 15:4.isusulat na ukol sa lahing susunod:

At Awit 22:31;Is. 43:21.ang bayang lalalangin ay pupuri sa Panginoon.

19 Sapagka’t siya’y tumungo Deut. 26:15;Awit 14:2.mula sa kaitaasan ng kaniyang santuario;

Tumingin ang Panginoon sa lupa mula sa langit;

20 Awit 79:11.Upang dinggin ang buntong hininga ng bilanggo:

Upang kalagan yaong nangaitakdang patayin;

21 Awit 56:13.Upang maipahayag ng mga tao ang pangalan ng Panginoon sa Sion,

At ang kaniyang kapurihan sa Jerusalem;

22 Nang ang mga bayan ay mapisan,

At ang mga kaharian, upang maglingkod sa Panginoon.

23 Kaniyang pinahina ang aking kalakasan sa daan;

Job 21:21.Kaniyang pinaikli ang mga kaarawan ko.

24 Is. 38:10.Aking sinabi, Oh Dios ko, huwag mo akong kunin sa kalagitnaan ng aking mga kaarawan;

Ang mga taon mo’y Awit 90:1,2.lampas sa mga sali’t saling lahi.

25 Nang una ay Heb. 1:10-12.inilagay mo ang patibayan ng lupa;

At ang mga langit ay gawa ng iyong mga kamay.

26 Is. 34:4;Mat. 24:35;2 Ped. 3:7,10,12;Apoc. 20:11;21:1.Sila’y uuwi sa wala, nguni’t tal.12.ikaw ay mananatili:

Oo, silang lahat ay maluluma na parang bihisan;

Parang isang kasuutan na iyong mga papalitan, at sila’y mga mapapalitan:

27 Nguni’t Mal. 3:6;Heb. 13:6.ikaw rin,

At ang mga taon mo’y hindi magkakawakas.

28 Awit 69:36.Ang mga anak ng iyong mga lingkod ay mangamamalagi,

Gen. 17:7.At ang kanilang binhi ay matatatag sa harap mo.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-