Publicidade

Salmos 108

Awit, Salmo ni David.

1 Ang aking Hanggang tal.5;Awit 5:7,11.puso’y matatag, Oh Dios;

Ako’y aawit, oo, ako’y aawit ng mga pagpuri, ng aking kaluwalhatian.

2 Kayo’y gumising, salterio at alpa:

Ako ma’y gigising na maaga.

3 Ako’y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bayan:

At ako’y aawit ng mga pagpuri sa iyo sa gitna ng mga bansa.

4 Awit 113:4;Jer. 51:9.Sapagka’t ang iyong kagandahang-loob ay dakila sa itaas sa mga langit,

At ang iyong katotohanan ay umaabot sa mga Awit 68:34.alapaap.

5 Mabunyi ka, Oh Dios, sa itaas sa mga langit:

At ang iyong kaluwalhatian sa ibabaw ng buong lupa.

6 Hanggang tal.13;Awit 60:5,12.Upang ang iyong minamahal ay maligtas,

Magligtas ka ng iyong kanan, at sagutin mo kami.

7 Nagsalita ang Dios sa kaniyang kabanalan; ako’y magsasaya:

Aking hahatiin ang Sichem, at susukatin ko ang libis ng Sucoth.

8 Galaad ay akin; Manases ay akin;

Ang Ephraim naman ay sanggalang ng aking ulo:

Juda’y aking cetro.

9 Moab ay aking hugasan;

Sa Edom ay ihahagis ko ang aking panyapak:

Awit 60:8.Sa Filistia ay hihiyaw ako.

10 Sinong magpapasok sa akin sa Jos. 19:29.bayang nakukutaan?

Sinong papatnubay sa akin hanggang sa Edom?

11 Hindi ba ikaw Oh Dios na nagtakuwil sa amin,

Awit 44:9.At hindi lumalabas, Oh Dios, na kasama ng aming mga hukbo?

12 Gawaran mo kami ng tulong laban sa kaaway;

Sapagka’t walang kabuluhan ang tulong ng tao.

13 Awit 60:2.Sa tulong ng Dios ay gagawa kaming may katapangan:

Sapagka’t siya ang yayapak sa aming mga kaaway.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-