1 Purihin ninyo ang Panginoon. Purihin ninyo, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon,
Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon.
2 Awit 115:18.Purihin ang pangalan ng Panginoon
Mula sa panahong ito at magpakailan man.
3 Awit 50:1;Mal. 1:11.Mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon
Ang pangalan ng Panginoon ay pupurihin,
4 Ang Panginoon ay Awit 99:2.mataas na higit sa lahat ng mga bansa,
At ang kaniyang kaluwalhatian ay Awit 108:4.sa itaas ng mga langit.
5 Awit 80:6.Sino ang gaya ng Panginoon nating Dios,
Na may kaniyang upuan sa itaas,
6 Is. 57:15.Na nagpapakababang tumitingin
Ng mga bagay na nangasa sa langit at sa lupa?
7 1 Sam. 2:8.Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok,
At itinataas ang mapagkailangan mula sa dumi;
8 Upang maupo siya na kasama ng mga pangulo,
Sa makatuwid baga’y ng mga pangulo ng kaniyang bayan.
9 1 Sam. 2:5;Is. 54:1.Kaniyang pinapagiingat ng bahay ang baog na babae,
At maging masayang ina ng mga anak.
Purihin ninyo ang Panginoon.