1 Huwag Is. 48:11.sa amin, Oh Panginoon, huwag sa amin,
Kundi sa iyong pangalan ay Gawa 12:23.magbigay kang karangalan,
Dahil sa iyong kagandahang-loob, at dahil sa iyong katotohanan.
2 Bakit sasabihin ng mga bansa,
Awit 42:3,10.Saan nandoon ngayon ang kanilang Dios?
3 Ngunit ang aming Dios ay nasa mga langit:
Kaniyang ginagawa ang kaniyang ibigin.
4 Hanggang tal.8;Awit 135:15-18.Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto,
Deut. 4:28;Is. 44:10-20;Gawa 19:26.Yari ng mga kamay ng mga tao.
5 Sila’y may mga bibig, Is. 46:7;Jer. 10:5;Hab. 2:18.nguni’t sila’y hindi nangagsasalita;
Mga mata’y mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakakakita;
6 Sila’y may mga tainga, nguni’t hindi sila nangakakarinig;
Mga ilong ay mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakakaamoy;
7 Mayroon silang mga kamay, nguni’t hindi sila nangakatatangan;
Mga paa ay mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakalalakad;
Ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.
8 Is. 44:11;Jon. 2:9; Heb. 2:19.Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila;
Oo, bawa’t tumitiwala sa kanila.
9 Awit 118:2,3,4.Oh Israel, tumiwala ka sa Panginoon:
Siya’y kanilang saklolo at Awit 84:9.kanilang kalasag.
10 Oh sangbahayan ni Aaron, magsitiwala kayo sa Panginoon:
Siya’y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
11 Kayong nangatatakot sa Panginoon, magsitiwala kayo sa Panginoon;
Siya’y kanilang saklolo at kanilang kalasag.
12 Inalaala tayo ng Panginoon; kaniyang pagpapalain tayo:
Kaniyang pagpapalain ang Awit 135:19.sangbahayan ni Israel,
Kaniyang pagpapalain ang sangbahayan ni Aaron.
13 Kaniyang pagpapalain ang nangatatakot sa Panginoon,
Ang mababa at gayon ang mataas.
14 Deut. 1:11.Palalaguin kayo ng Panginoon ng higit at higit,
Kayo at ang inyong mga anak.
15 Pinagpala kayo ng Panginoon,
Na gumawa ng langit at lupa.
16 Awit 148:4.Ang mga langit ay mga langit ng Panginoon;
Nguni’t ang lupa ay kaniyang ibinigay sa mga anak ng mga tao.
17 Ang patay ay Awit 6:5.hindi pumupuri sa Panginoon,
Ni sinomang nabababa sa katahimikan;
18 Awit 113:2.Nguni’t aming pupurihin ang Panginoon
Mula sa panahong ito hanggang sa walang hanggan.
Purihin ninyo ang Panginoon.