1 Aking iniibig Awit 18:1.ang Panginoon, sapagka’t Awit 66:19;118:21.kaniyang dininig
Ang aking tinig at aking mga hiling.
2 Sapagka’t kaniyang Awit 86:11.ikiniling ang kaniyang pakinig sa akin,
Kaya’t ako’y tatawag sa kaniya habang ako’y nabubuhay.
3 Ang tali ng kamatayan ay Awit 18:4.pumulupot sa akin,
At ang mga sakit ng Sheol ay nagsihawak sa akin:
Aking nasumpungan ang kabagabagan at kapanglawan.
4 Awit 18:6.Nang magkagayo’y tumawag ako sa pangalan ng Panginoon;
Oh Panginoon, isinasamo ko sa iyo, iligtas mo ang aking kaluluwa.
5 Awit 86:15;145:17.Mapagbiyaya ang Panginoon, at matuwid;
Oo, ang Dios namin ay maawain.
6 Pinalalagi ng Panginoon ang mga tapat na loob:
Awit 79:8.Ako’y nababa, at kaniyang iniligtas ako.
7 Bumalik ka sa iyong kapahingahan, Jer. 6:16;Mat. 11:29.Oh kaluluwa ko;
Sapagka’t ginawan ka ng mabuti ng Panginoon.
8 Awit 56:13;86:13.Sapagka’t iyong iniligtas ang kaluluwa ko sa kamatayan,
At ang mga mata ko sa mga luha,
At ang mga paa ko sa pagkabuwal.
9 Ako’y lalakad sa harap ng Panginoon,
Awit 27:13.Sa lupain ng mga buháy.
10 2 Cor. 6:28.Ako’y sumasampalataya, sapagka’t ako’y magsasalita:
Ako’y lubhang nagdalamhati:
11 Awit 31:22.Aking sinabi sa aking pagmamadali,
Lahat ng tao ay bulaan.
12 Ano ang aking ibabayad sa Panginoon
Dahil sa lahat niyang kabutihan sa akin?
13 Aking kukunin ang Awit 16:5;Luc. 22:17.saro ng kaligtasan,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
14 Awit 22:25.Aking babayaran ang mga panata ko sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan.
15 Blg. 23:10;Awit 72:16.Mahalaga sa paningin ng Panginoon
Ang kamatayan ng kaniyang mga banal.
16 Oh Panginoon, tunay na ako’y iyong lingkod;
Ako’y iyong lingkod, na Awit 86:16.anak ng iyong lingkod na babae;
Iyong kinalag ang aking mga tali.
17 Aking ihahandog sa iyo ang Awit 107:22.hain na pasalamat,
At tatawag ako sa pangalan ng Panginoon.
18 Aking babayaran ang mga panata ko tal.14.sa Panginoon,
Oo, sa harapan ng buo niyang bayan;
19 Sa mga looban ng bahay ng Panginoon,
Sa gitna mo, Oh Jerusalem.
Purihin ninyo ang Panginoon.