Pular para o conteúdo
Publicidade

Salmos 12

Ang Panginoon ay tulong laban sa masama. Sa Pangulong manunugtog; itinugma sa Seminith. Awit ni David.

1 Tumulong ka, Panginoon, sapagka’t ang banal na tao ay Is. 57:1;Mik. 7:2.nalilipol;

Sapagka’t nagkukulang ng tapat sa gitna ng mga anak ng mga tao.

2 Sila’y nangagsasalitaan bawa’t isa ng kabulaanan, sa kanikaniyang kapuwa:

Jer. 9:8;Rom. 16:18.Na may mapanuyang labi, at may giring pulang puso na nangagsasalita.

3 Ihihiwalay ng Panginoon, ang lahat na mapanuyang labi,

Ang dila na nagsasalita ng mga dakilang bagay:

4 Na nagsipagsabi, Sa pamamagitan ng aming dila ay magsisipanaig kami;

Ang aming mga labi ay aming sarili: sino ang panginoon sa amin?

5 Dahil sa pagsamsam sa dukha, dahil sa buntong hininga ng mapagkailangan,

Is. 33:10.Titindig nga ako, sabi ng Panginoon;

Ilalagay ko siya sa kaligtasang kaniyang pinagmimithian.

6 Awit 18:30;19:8;119:140;Kaw. 30:5.Ang mga salita ng Panginoon ay mga dalisay na salita;

Na gaya ng pilak na sinubok sa hurno sa lupa,

Na makapitong dinalisay.

7 Iyong iingatan sila, Oh Panginoon,

Iyong pakaingatan sila mula sa lahing ito magpakailan man.

8 Ang masama ay naggala saa’t saan man.

Pagka ang kapariwaraan ay natataas sa gitna ng mga anak ng mga tao.

Veja também