1 Ako’y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin,
Tayo’y magsiparoon Is. 2:3;Zac. 8:21.sa bahay ng Panginoon.
2 Ang mga paa natin ay nagsisitayo
Sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem;
3 Jerusalem, na natayo
Na parang bayang 2 Sam. 5:9.siksikan:
4 Ex. 23:17;Deut. 16:16.Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga’y ng mga lipi ng Panginoon,
Ex. 16:34.Na pinaka patotoo sa Israel,
Upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon.
5 Deut. 17:8;2 Cron. 19:8.Sapagka’t doo’y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan,
Ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.
6 Awit 51:18.Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem:
Sila’y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.
7 Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta,
At kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.
8 Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama,
Aking sasabihin ngayon,
1 Sam. 26:6.Kapayapaan ang sumaiyong loob.
9 Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios.
Neh. 2:10.Hahanapin ko ang iyong buti.