Panalangin ng pagdaing sa panahon ng bagabag. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
1 Hanggang kailan, Oh Panginoon? iyong kalilimutan ako magpakailan man?
Job 13:24;Awit 44:24;88:14.Hanggang kailan ikukubli mo ang iyong mukha sa akin?
2 Hanggang kailan kukuhang payo ako sa aking kaluluwa,
Na may kalumbayan sa aking puso buong araw?
Hanggang kailan magpapakataan ang aking kaaway sa akin?
3 Iyong bulayin, at sagutin mo ako, Oh Panginoon kong Dios:
1 Sam. 14:27;Ezra 9:8.Liwanagan mo ang aking mga mata, baka ako’y matulog ng tulog na kamatayan;
4 Awit 38:16.Baka sabihin ng aking kaaway,
Ako’y nanaig laban sa kaniya;
Baka ang aking mga kaaway ay mangagalak Awit 10:6.pagka ako’y nakilos.
5 Nguni’t ako’y tumiwala sa iyong kagandahang-loob.
Magagalak ang aking puso sa iyong pagliligtas:
6 Ako’y aawit sa Panginoon,
Awit 116:7;119:17.Sapagka’t ginawan niya ako ng sagana.