1 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang pangalan ng Panginoon;
Awit 134:1.Purihin ninyo siya, Oh ninyong mga lingkod ng Panginoon:
2 Ninyong nagsisitayo sa bahay ng Panginoon.
Sa Awit 92:13;116:19.mga looban ng bahay ng ating Dios.
3 Purihin ninyo ang Panginoon; sapagka’t ang Panginoon ay mabuti:
Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniyang pangalan; Awit 147:1.sapagka’t maligaya.
4 Sapagka’t pinili ng Deut. 7:6,7;10:15.Panginoon para sa kaniya si Jacob,
At ang Israel na kaniyang pinakatanging Ex. 19:5.kayamanan.
5 Sapagka’t nalalaman ko Awit 95:3.na ang Panginoon ay dakila,
At ang ating Panginoon ay higit sa lahat na dios.
6 Anomang kinalugdan ng Panginoon, ay kaniyang ginawa,
Sa langit at sa lupa, sa mga dagat, at sa lahat ng mga kalaliman.
7 Kaniyang pinailanglang ang mga singaw na mula sa mga wakas ng lupa;
Kaniyang ginagawa ang mga kidlat na ukol sa ulan;
Kaniyang inilalabas ang hangin Job 38:22.mula sa kaniyang mga ingatang-yaman.
8 Na siyang sumakit sa mga panganay sa Egipto,
Sa tao at gayon din sa hayop.
9 Ex. 7:10-14.Siya’y nagsugo ng mga tanda at mga kababalaghan sa gitna mo, Oh Egipto,
Kay Faraon, at sa lahat niyang mga lingkod.
10 Awit 136:17-22.Na siyang sumakit sa maraming bansa,
At pumatay sa mga makapangyarihang hari;
11 Kay Blg. 21:21-26,33-35.Sehon na hari ng mga Amorrheo,
At kay Og na hari sa Basan,
At Job 12:7-24.sa lahat ng mga kaharian ng Canaan:
12 At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana,
Isang pinakamana sa Israel sa kaniyang bayan.
13 Ang iyong pangalan, Awit 102:12.Oh Panginoon, ay magpakailan man;
Ang alaala sa iyo, Oh Panginoon, ay sa lahat ng sali’t saling lahi.
14 Sapagka’t hahatulan ng Panginoon ang kaniyang bayan,
At Awit 90:13.magsisisi tungkol sa kaniyang mga lingkod.
15 Hanggang tal.18;Awit 115:4-8.Ang mga diosdiosan ng mga bansa ay pilak at ginto,
Na gawa ng mga kamay ng mga tao.
16 Sila’y may mga bibig, nguni’t hindi sila nangagsasalita;
Mga mata ay mayroon sila, ngunit hindi sila nangakakakita;
17 Sila’y may mga tainga, nguni’t hindi sila nangakakarinig;
At wala mang anomang hinga sa kanilang mga bibig.
18 Silang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila;
Oo, bawa’t tumitiwala sa kanila.
19 Awit 115:9,10,12;118:2,3.Oh sangbahayan ni Israel, purihin ninyo ang Panginoon:
Oh sangbahayan ni Aaron, purihin ninyo ang Panginoon:
20 Oh sangbahayan ni Levi, purihin ninyo ang Panginoon:
Ninyong nangatatakot sa Panginoon, purihin ninyo ang Panginoon.
21 Purihin ang Panginoon mula sa Sion,
Awit 132:13.Na siyang tumatahan sa Jerusalem.
Purihin ninyo ang Panginoon.