Publicidade

Salmos 136

Pasalamat dahil sa kagandahang-loob ng Panginoon sa Israel.

1 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; 1 Cron. 16:34;Awit 118:1.sapagka’t siya’y mabuti:

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

2 Deut. 10:17.Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng mga dios:

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

3 Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon ng mga panginoon:

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

4 Sa kaniya na Awit 72:18.gumagawang magisa ng mga dakilang kababalaghan:

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

5 Awit 104:24;Kaw. 3:19.Sa kaniya na gumawa ng mga langit sa pamamagitan ng unawa:

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

6 Gen. 1:6;Is. 42:5;44:24;Jer. 10:12.Sa kaniya na naglalatag ng lupa sa ibabaw ng tubig:

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

7 Gen. 1:14.Sa kaniya na gumawa ng mga dakilang tanglaw;

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

8 Ng araw upang magpuno sa araw:

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

9 Ng buwan at mga bituin upang magpuno sa gabi:

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

10 Ex. 12:29;Awit 78:51.Sa kaniya na sumakit sa Egipto sa kanilang mga panganay:

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

11 Ex. 12:51;13:3,17.At kinuha ang Israel sa kanila: Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

12 Deut. 4:34.Sa pamamagitan ng malakas na kamay, at ng unat na bisig:

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

13 Ex. 14:21,22.Sa kaniya na humawi ng Dagat na Mapula:

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

14 At nagparaan sa Israel sa gitna niyaon:

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

15 Ex. 14:28.Nguni’t tinabunan si Faraon at ang kaniyang hukbo sa Dagat na Mapula:

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

16 Ex. 15:22.Sa kaniya na pumatnubay ng kaniyang bayan sa ilang:

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

17 Hanggang tal.22;Awit 135:10-12.Sa kaniya na sumakit sa mga dakilang hari:

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

18 Deut. 29:7.At pumatay sa mga bantog na hari:

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

19 Blg. 31:21,24.Kay Sehon na hari ng mga Amorrheo;

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

20 Blg. 21:33,35.At kay Og na hari sa Basan:

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

21 Jos. 12:7.At ibinigay ang kanilang lupain na pinakamana.

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

22 Sa makatuwid baga’y pinakamana sa Israel na Awit 69:36.kaniyang lingkod:

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

23 Gen. 8:1;Deut. 32:36.Na siyang umalaala sa atin sa ating mababang kalagayan:

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

24 At iniligtas tayo sa ating mga kaaway:

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man:

25 Awit 104:27.Siya’y nagbibigay ng pagkain sa lahat ng kinapal:

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

26 Oh mangagpasalamat kayo sa Dios ng langit:

Sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-