1 Ako’y magpapasalamat sa iyo ng aking buong puso:
Awit 96:4,5.Sa harap ng mga dios ay aawit ako ng mga pagpuri sa iyo.
2 Ako’y sasamba sa dako ng iyong banal na templo,
At 1 Hari 8:29;Awit 5:9.magpapasalamat sa iyong pangalan, dahil sa iyong kagandahang-loob at dahil sa iyong katotohanan:
Sapagka’t iyong pinadakila ang iyong salita sa iyong buong pangalan.
3 Nang araw na ako’y tumawag ay sinagot mo ako,
Iyong pinatapang ako ng kalakasan sa aking kaluluwa.
4 Lahat ng mga hari sa lupa Awit 102:15.ay mangagpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon,
Sapagka’t kanilang narinig ang mga salita ng iyong bibig.
5 Oo, sila’y magsisiawit tungkol sa mga daan ng Panginoon;
Sapagka’t dakila ang kaluwalhatian ng Panginoon.
6 Awit 113:5,6;Is. 57:15.Sapagka’t bagaman ang Panginoon ay mataas, Kaw. 3:34;Luc. 1:48,51;Sant. 4:6;1 Ped. 5:5.gumagalang din sa mababa:
Nguni’t ang hambog ay nakikilala niya mula sa malayo.
7 Awit 23:4.Bagaman ako’y lumakad sa gitna ng kabagabagan, iyong bubuhayin ako;
Iyong iuunat ang iyong kamay laban sa poot ng aking mga kaaway,
At ililigtas ako ng iyong kanan.
8 Awit 57:2;Fil. 1:6.Pasasakdalin ng Panginoon ang tungkol sa akin:
Ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ay magpakailan man;
Job 14:15;Is. 64:8.Huwag mong pabayaan ang mga gawa ng iyong sariling mga kamay.