Panalangin sa hapon sa pagtatalaga. Awit ni David
1 Panginoon, ako’y tumawag sa iyo: Awit 70:5.magmadali ka sa akin:
Pakinggan mo ang tinig ko, pagka ako’y tumatawag sa iyo.
2 Luc. 8:10;Apoc. 5:8;8:3,4.Malagay ang aking dalangin na parang kamangyan sa harap mo;
Awit 134:2;1 Tim. 2:8.Ang pagtataas ng aking mga kamay na Ex. 29:41.parang hain sa kinahapunan.
3 Awit 39:1.Maglagay ka ng bantay, Oh Panginoon, sa harap ng aking bibig;
Ingatan mo ang pintuan ng aking mga labi.
4 Huwag mong ikiling ang aking puso sa anomang masamang bagay,
Na gumawa sa mga gawa ng kasamaan
Na kasama ng mga taong nagsisigawa ng kasamaan:
At Kaw. 23:6.huwag mo akong pakanin ng kanilang mga masarap na pagkain.
5 Kaw. 9:8;19:25;25:12;Gen. 6:1.Sugatan ako ng matuwid, magiging kagandahan pa ng loob;
At sawayin niya ako, magiging parang langis sa ulo;
Huwag tanggihan ng aking ulo:
Sapagka’t sa kanilang kasamaan ay mamamalagi ang dalangin ko.
6 Ang kanilang mga hukom ay nangahagis sa mga tabi ng malaking bato;
At kanilang maririnig ang aking mga salita; sapagka’t matatamis.
7 Gaya ng kung inaararo at nabubungkal ang lupa,
Gayon ang aming mga buto Awit 53:5.ay nangangalat sa bibig ng Sheol.
8 Sapagka’t ang mga mata ko’y 2 Cron. 20:12;Awit 25:15;123:1,2.nangasa iyo, Oh Dios na Panginoon:
Sa iyo nanganganlong ako; huwag mong iwan ang aking kaluluwa sa walang magkandili.
9 Iligtas mo ako Awit 119:110;140:5.sa silo na kanilang inilagay na ukol sa akin,
At sa mga silo ng mga manggagawa ng kasamaan.
10 Awit 7:15;35:8.Mahulog ang masama sa kanilang sariling mga bating.
Habang ako’y nakatatanan.