Panalangin upang tulungan sa panahon ng ligalig. #1 Sam. 22:1; 24:1-5. Masquil ni David, nang siya’y nasa yungib; Dalangin.
1 Ako’y Awit 77:1.dumadaing ng aking tinig sa Panginoon;
Ako’y namamanhik ng aking tinig sa Panginoon.
2 Awit 102, titik;Is. 26:16.Aking ibinubugso ang daing ko sa harap niya;
Aking ipinakilala sa harap niya ang kabagabagan ko.
3 Nang nanglupaypay ang diwa ko sa loob ko,
Nalaman mo ang aking landas.
Awit 140:5.Sa daan na aking nilalakaran
Ay pinagkukublihan nila ako ng silo.
4 Awit 69:20.Tumingin ka sa aking kanan, at tingnan mo:
Sapagka’t Awit 31:11.walang tao na nakakakilala sa akin:
Kanlungan ay kulang ako;
Walang taong lumilingap sa aking kaluluwa.
5 Ako’y dumaing sa iyo, Oh Panginoon;
Aking sinabi: Ikaw ay aking kanlungan,
Awit 16:5;Panag. 3:24.Aking bahagi Awit 27:13.sa lupain ng may buhay.
6 Pakinggan mo ang aking daing;
Sapagka’t Awit 116:6.ako’y totoong nababa:
Iligtas mo ako sa nagsisiusig sa akin;
Sapagka’t sila’y malakas kay sa akin.
7 Awit 143:11.Ilabas mo ang aking kaluluwa sa bilangguan,
Upang ako’y makapagpasalamat sa iyong pangalan:
Kubkubin ako ng matuwid;
Awit 13:6.Sapagka’t ikaw ay gagawang may kagandahang-loob sa akin.