1 Dinggin mo ang dalangin ko Oh Panginoon; pakinggan mo ang aking mga pamanhik:
Sa iyong pagtatapat ay Awit 31:1.sagutin mo ako, at sa iyong katuwiran.
2 Job 14:3.At huwag kang masok sa kahatulan na kasama ng iyong lingkod;
Sapagka’t sa iyong paningin ay Ex. 34:7;Job 9:2;25:4;Awit 130:3;Rom. 3:20;Gal. 2:16.walang taong may buhay na aariing ganap.
3 Sapagka’t pinagusig ng kaaway ang kaluluwa ko;
Kaniyang sinaktan ang aking buhay ng lugmok sa lupa:
Kaniyang pinatahan ako Awit 88:6.sa mga madilim na dako, gaya ng mga namatay nang malaon.
4 Kaya’t ang aking diwa ay nanglulupaypay sa loob ko;
Ang puso ko sa loob ko ay bagbag.
5 Awit 77:11.Aking naaalaala ang mga araw ng una;
Aking ginugunita ang lahat mong mga gawa:
Aking binubulay ang gawa ng iyong mga kamay.
6 Job 11:13.Iginawad ko ang aking mga kamay sa iyo:
Awit 42:2;63:1.Ang aking kaluluwa ay nananabik sa iyo, na parang uhaw na lupain. (Selah)
7 Magmadali kang sagutin mo ako, Oh Panginoon; ang diwa ko’y nanglulupaypay:
Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Baka ako’y maging gaya nila na nagsibaba sa hukay.
8 Iparinig mo sa akin ang iyong kagandahang-loob Awit 5:3.sa kinaumagahan;
Sapagka’t sa iyo ako tumitiwala:
Awit 25:4.Ipabatid mo sa akin ang daan na aking dapat lakaran;
Sapagka’t itinaas ko ang aking kaluluwa sa iyo.
9 Iligtas mo ako, Oh Panginoon, sa aking mga kaaway:
Tumatakas ako sa iyo upang ikubli mo ako.
10 Awit 25:4,5.Turuan mo akong gumawa ng iyong kalooban;
Sapagka’t ikaw ay aking Dios:
Neh. 9:20;Awit 51:11,15.Ang iyong Espiritu ay mabuti;
Patnubayan mo ako Awit 27:11;Is. 26:10.sa lupain ng katuwiran.
11 Buhayin mo ako, Oh Panginoon, Awit 25:11;71:20.dahil sa iyong pangalan:
Sa iyong katuwiran ay ilabas mo ang aking kaluluwa sa kabagabagan,
12 At sa iyong kagandahang-loob ay Awit 54:5.ihiwalay mo ang aking mga kaaway,
At lipulin mo ang lahat na nagsisidalamhati sa aking kaluluwa;
Sapagka’t Awit 116:16.ako’y iyong lingkod.