1 Purihin ninyo ang Panginoon; Sapagka’t Awit 92:1.mabuting umawit ng mga pagpuri sa ating Dios;
Awit 135:3.Sapagka’t maligaya, at ang pagpuri Awit 33:1.ay nakalulugod.
2 Awit 102:16.Itinatayo ng Panginoon ang Jerusalem;
Kaniyang pinipisan ang mga Deut. 30:3;Ezek. 39:28.natapon na Israel.
3 Awit 51:17.Kaniyang pinagagaling ang mga may bagbag na puso,
At tinatalian niya ang kanilang mga sugat.
4 Gen. 15:5;Is. 40:26.Kaniyang sinasaysay ang bilang ng mga bituin;
Siya ang nagbibigay sa kanila ng lahat nilang pangalan.
5 Dakila ang ating Panginoon, at makapangyarihan sa kapangyarihan;
Ang kaniyang unawa ay walang hanggan,
6 Awit 146:8,9.Inaalalayan ng Panginoon ang maamo:
Kaniyang inilulugmok sa lupa ang masama.
7 Magsiawit kayo sa Panginoon ng pagpapasalamat;
Magsiawit kayo sa alpa ng mga pagpuri sa ating Dios:
8 Job 38:26,28;Awit 104:14.Na nagtatakip sa mga langit ng mga alapaap.
Na siyang naghahanda ng ulan sa lupa,
na nagpapatubo ng damo sa mga bundok.
9 Job 39:3;Awit 104:27;Mat. 6:26.Siya’y nagbibigay sa hayop ng kaniyang pagkain.
At sa mga inakay na uwak na nagsisidaing.
10 Awit 33:17;Os. 1:7.Siya’y hindi nalulugod sa lakas ng kabayo:
Siya’y hindi nasasayahan sa mga paa ng tao.
11 Ang Panginoon ay naliligaya sa kanila na nangatatakot sa kaniya,
Sa nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob.
12 Purihin mo ang Panginoon, Oh Jerusalem;
Purihin mo ang iyong Dios, Oh Sion.
13 Sapagka’t kaniyang pinatibay ang mga halang ng iyong mga pintuang-bayan;
Kaniyang pinagpala ang iyong mga anak sa loob mo.
14 Is. 60:17,18.Siya’y gumagawa ng kapayapaan sa iyong mga hangganan;
Awit 132:15.Kaniyang binubusog ka ng pinakamainam na trigo.
15 Kaniyang sinusugo ang kaniyang utos sa lupa;
Ang kaniyang salita ay tumatakbong maliksi.
16 Job 37:6.Siya’y nagbibigay ng nieve na parang balahibo ng tupa;
Siya’y nagkakalat ng eskarcha na parang abo.
17 Kaniyang inihahagis na parang putol na maliit ang kaniyang hielo:
Sinong makatatagal sa harap ng lamig niyaon?
18 Job 37:10.Kaniyang pinahahatdan ng salita, at tinutunaw:
Kaniyang pinahihihip ang kaniyang hangin, at ang tubig ay pinaagos.
19 Deut. 33:2.Kaniyang ipinabatid ang kaniyang salita sa Jacob,
Mat. 3:4.Ang kaniyang mga palatuntunan at mga kahatulan sa Israel.
20 Deut. 4:32,33,34.Siya’y hindi gumawa ng gayon sa alin mang bansa:
At tungkol sa kaniyang mga kahatulan, hindi nila nalaman.
Purihin ninyo ang Panginoon.