Publicidade

Salmos 148

Ang buong nilalang ay pinapagpupuri sa Panginoon.

1 Purihin ninyo ang Panginoon.

Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit:

Purihin ninyo siya sa mga kaitaasan.

2 Awit 103:20,21.Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel:

Purihin ninyo siya, buo niyang hukbo.

3 Purihin ninyo siya, araw at buwan:

Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag.

4 Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit,

Gen. 1:7.At ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit.

5 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon:

Sapagka’t Gen. 1:7.siya’y nagutos, at sila’y nangalikha.

6 Awit 119:90,91;Jer. 31:35,36.Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man:

Siya’y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi.

7 Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa,

Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman:

8 Apoy at granizo, nieve at singaw;

Unos na hangin, na Awit 147:15,18.gumaganap ng kaniyang salita:

9 Is. 44:23.Mga bundok at lahat ng mga gulod;

Mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro:

10 Mga hayop at buong kawan;

Nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad:

11 Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan;

Mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa:

12 Mga binata at gayon din ng mga dalaga;

Mga matanda at mga bata:

13 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon;

Sapagka’t ang kaniyang pangalang magisa ay nabunyi:

Ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-