1 Purihin ninyo ang Panginoon.
Magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit,
At ng kaniyang kapurihan Awit 89:5;111:1.sa kapisanan ng mga banal.
2 Job 35:10;Awit 85:6;95:6.Magalak nawa ang Israel sa kaniya na lumalang sa kaniya:
Magalak nawa ang mga anak ng Sion sa kanilang Hari.
3 1 Cron. 16:31;Ex. 15:20.Purihin nila ang kaniyang pangalan sa sayaw:
Magsiawit sila ng mga pagpuri sa kaniya na may pandereta at alpa.
4 Sapagka’t ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan:
Is. 61:3.Kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo.
5 Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian:
Awit 63:6.Magsiawit sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan.
6 Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios,
At Heb. 4:12;Apoc. 1:16;2:12.tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay;
7 Upang magsagawa ng panghihiganti sa mga bansa,
At mga parusa sa mga bayan;
8 Upang talian ang kanilang mga hari ng mga tanikala,
At ang kanilang mga mahal na tao ng mga panaling bakal;
9 Upang magsagawa sa kanila ng hatol na Is. 65:6.nasusulat:
Mayroon ng karangalang ito ang lahat niyang mga banal.
Purihin ninyo ang Panginoon.