1 Panginoon, sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo?
Awit 24:3,4.Sinong tatahan sa iyong banal na Awit 2:6.bundok?
2 Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran,
At Zac. 8:16;Ef. 4:25.nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso.
3 Lev. 19:16;Awit 34:13.Siyang hindi naninirang puri ng kaniyang dila,
Ni gumagawa man ng kasamaan sa kaniyang kaibigan,
Ni dumudusta man sa kaniyang kapuwa.
4 Na sa mga mata niya ay nasisiphayo ang masama;
Kundi siyang nagbibigay puri sa mga natatakot sa Panginoon,
Huk. 11:35.Siyang sumusumpa sa kaniyang sariling ikasasama at hindi nagbabago,
5 Ex. 22:25;Deut. 23:19.Siyang hindi naglalabas ng kaniyang salapi sa patubo, Ex. 23:8.Ni kumukuha man ng suhol laban sa walang sala.
Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi makikilos kailan man.