Ang gawa at salita ng Panginoon. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
1 Ang Awit 50:6.kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios;
Gen. 1:6.At ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay.
2 Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita,
At sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman.
3 Walang pananalita o wika man;
Ang kanilang tinig ay hindi marinig.
4 Rom. 10:18.Ang kanilang pangungusap ay lumaganap sa buong lupa,
At ang kanilang mga salita ay hanggang sa wakas ng sanglibutan.
Sa kanila inilagay niya ang tabernakulo na ukol sa araw,
5 Na gaya ng kasintahang lalake na lumalabas mula sa kaniyang silid.
Huk. 5:31;Ec. 1:5.At nagagalak na gaya ng malakas na tao na tatakbo ng kaniyang takbo.
6 Ang kaniyang labasan ay mula sa wakas ng mga langit,
At ang kaniyang ligid ay sa mga wakas niyaon:
At walang bagay na nakukubli sa pagiinit niyaon.
7 Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa:
Ang Awit 111:7.patotoo ng Panginoon ay tunay, Kaw. 1:4.na nagpapapantas sa hangal.
8 Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso:
Awit 12:6.Ang utos ng Panginoon ay dalisay, Awit 13:3.na nagpapaliwanag ng mga mata.