Publicidade

Salmos 19

Ang gawa at salita ng Panginoon. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

1 Ang Awit 50:6.kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Dios;

Gen. 1:6.At ipinakikilala ng kalawakan ang gawa ng kaniyang kamay.

2 Sa araw-araw ay nagbabadya ng pananalita,

At sa gabi-gabi ay nagpapakilala ng kaalaman.

3 Walang pananalita o wika man;

Ang kanilang tinig ay hindi marinig.

4 Rom. 10:18.Ang kanilang pangungusap ay lumaganap sa buong lupa,

At ang kanilang mga salita ay hanggang sa wakas ng sanglibutan.

Sa kanila inilagay niya ang tabernakulo na ukol sa araw,

5 Na gaya ng kasintahang lalake na lumalabas mula sa kaniyang silid.

Huk. 5:31;Ec. 1:5.At nagagalak na gaya ng malakas na tao na tatakbo ng kaniyang takbo.

6 Ang kaniyang labasan ay mula sa wakas ng mga langit,

At ang kaniyang ligid ay sa mga wakas niyaon:

At walang bagay na nakukubli sa pagiinit niyaon.

7 Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagsasauli ng kaluluwa:

Ang Awit 111:7.patotoo ng Panginoon ay tunay, Kaw. 1:4.na nagpapapantas sa hangal.

8 Ang mga tuntunin ng Panginoon ay matuwid, na nagpapagalak sa puso:

Awit 12:6.Ang utos ng Panginoon ay dalisay, Awit 13:3.na nagpapaliwanag ng mga mata.

9 Ang takot sa Panginoon ay malinis, na nananatili magpakailan man:

Ang mga kahatulan ng Panginoon ay katotohanan, at lubos na matuwid.

10 Awit 119:72.Mga pinipitang higit kay sa ginto, oo, higit kay sa maraming dalisay na ginto:

Awit 119:103.Lalong mainam kay sa pulot, at sa pulot-pukyutan.

11 Higit dito’y sa pamamagitan ng mga iyo’y mapagpapaunahan ang iyong lingkod:

Kaw. 29:18.Sa pagiingat ng mga yaon ay may dakilang ganting-pala.

12 Sinong makasisiyasat Awit 40:12.ng kaniyang mga kamalian?

Lev. 4:2.Paliwanagan mo ako Awit 90:8.sa mga kubling kamalian.

13 Gen. 20:6.Italikod mo rin ang iyong lingkod sa mga kapalaluang sala:

Awit 119:133;Rom. 6:12,14.Huwag mong papagtaglayin ang mga yaon ng kapangyarihan sa akin: kung magkagayo’y magiging matuwid ako,

At magiging malinis ako sa malaking pagsalangsang.

14 Awit 51:15.Maging kalugodlugod nawa ang mga salita ng aking bibig, at ang pagbubulay ng aking puso sa iyong paningin,

Oh Panginoon, na aking malaking bato, at aking Is. 43:4;44:6;1 Tes. 1:10.manunubos.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-