Pular para o conteúdo
Publicidade

Salmos 20

Panalangin upang magtagumpay sa kaaway. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

1 Ang Panginoon ay sumasagot sa iyo sa araw ng kabagabagan;

Kaw. 18:10.Itaas ka sa mataas ng pangalan ng Dios ni Jacob;

2 Saklolohan ka mula sa 2 Cron. 20:8;Awit 73:17.santuario,

At palakasin ka mula sa Awit 128:5.Sion;

3 Alalahanin nawa ang lahat ng iyong mga handog,

At tanggapin niya ang iyong mga haing sinunog; (Selah)

4 Awit 21:2.Pagkalooban ka nawa ng nais ng iyong puso,

At tuparin ang lahat ng iyong payo.

5 Kami ay Awit 9:14.magtatagumpay sa iyong pagliligtas,

At Awit 60:4.sa pangalan ng aming Dios ay aming itataas ang aming mga watawat:

Ganapin nawa ng Panginoon ang lahat ng iyong mga hingi.

6 Talastas ko ngayon na inililigtas ng Panginoon ang Awit 2:2.kaniyang pinahiran ng langis;

Sasagutin niya siya mula sa kaniyang banal na langit

Ng pangligtas na kalakasan ng kaniyang kanang kamay.

7 Kaw. 21:31;Is. 31:1.Ang iba ay tumitiwala sa mga karo, at ang iba ay sa mga kabayo:

2 Cron. 32:8.Nguni’t babanggitin namin ang pangalan ng Panginoon naming Dios.

8 Sila’y nangakasubsob at buwal:

Nguni’t kami ay nakatindig at nakatayo na matuwid.

9 Magligtas ka, Panginoon:

Sagutin nawa kami ng Hari pagka kami ay nagsisitawag.

Veja também