Pular para o conteúdo
Publicidade

Salmos 24

Ang hari ng kaluwalhatian ay pumasok sa banal na bundok. Awit ni David.

1 Ex. 9:29;Deut. 10:14;1 Cor. 10:26,28.Ang lupa ay sa Panginoon at ang buong narito;

Ang sanglibutan, at silang nagsisitahan dito.

2 Awit 136:6.Sapagka’t itinatag niya sa ibabaw ng mga dagat,

At itinatayo sa ibabaw ng mga baha.

3 Awit 15:1-5.Sinong aahon sa bundok ng Panginoon?

At sinong tatayo sa kaniyang Awit 2:6.dakong banal?

4 Awit 18:20-24;Is. 33:15,16.Siyang may malinis na mga kamay at Awit 73:1;Mat. 5:8.may dalisay na puso;

Na hindi nagmataas ang kaniyang kaluluwa sa walang kabuluhan,

At hindi sumumpa na may kabulaanan.

5 Siya’y tatanggap ng pagpapala sa Panginoon,

At ng katuwiran sa Awit 27:9.Dios ng kaniyang kaligtasan.

6 Ito ang lahi ng mga nagsisihanap sa kaniya,

Na nagsisihanap ng iyong mukha, sa makatuwid baga’y Jacob. (Selah)

7 Itaas ninyo ang inyong mga ulo,

Oh kayong mga pintuang-bayan;

At kayo’y mangataas, kayong mga walang hanggang pintuan:

At ang hari ng kaluwalhatian ay 1 Cor. 2:8.papasok.

8 Sino ang Hari ng kaluwalhatian?

Ang Panginoong malakas at makapangyarihan,

Ang Panginoong makapangyarihan sa pagbabaka.

9 Itaas ninyo ang inyong mga ulo, Oh kayong mga pintuang-bayan;

Oo, magsitaas kayo, kayong mga walang hanggang pintuan:

At ang hari ng kaluwalhatian ay papasok.

10 Sino itong Hari ng kaluwalhatian?

Ang Panginoon ng mga hukbo,

Siya ang Hari ng kaluwalhatian. (Selah)

Veja também