1 Sa iyo, Awit 86:4;Panag. 3:41.Oh Panginoon, iginagawad ko ang aking kaluluwa.
2 Oh Dios ko Awit 22:4,5;34:8;115:9-11.sa iyo’y tumiwala ako,
Awit 31:1,17.Huwag nawa akong mapahiya;
Huwag nawang magtagumpay sa akin ang aking mga kaaway.
3 Oo, Is. 49:23.walang naghihintay sa iyo na mapapahiya;
Sila’y mangapapahiya na nagsisigawa ng karayaan ng walang kadahilanan,
4 Ex. 33:13;Awit 27:11.Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon;
Ituro mo sa akin ang iyong mga landas.
5 Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin;
Sapagka’t ikaw ay Dios ng aking kaligtasan;
Sa iyo’y naghihintay ako buong araw.
6 Iyong alalahanin, Oh Panginoon, ang iyong malumanay na mga kaawaan, at ang iyong mga kagandahang-loob;
Awit 103:17.Sapagka’t magpakailan man mula ng una.
7 Job 13:26;Jer. 3:25.Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsalangsang:
Ayon sa iyong kagandahangloob ay alalahanin mo ako, Dahil sa iyong kabutihan, Oh Panginoon.
8 Mabuti at matuwid ang Panginoon:
Kaya’t tuturuan niya ang mga makasalanan sa daan.
9 Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan:
At ituturo niya sa maamo ang daan niya.
10 Lahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan
Sa mga gayon na nangagiingat ng kaniyang tipan at kaniyang mga patotoo.
11 Awit 23:3;31:3;109:21.Dahil sa iyong pangalan, Oh Panginoon,
Iyong ipatawad ang aking kasamaan, Rom. 5:20.sapagka’t malaki.
12 Anong tao siya na natatakot sa Panginoon?
Siya ang tuturuan niya ng daan na kaniyang pipiliin.
13 Ang kaniyang kaluluwa ay tatahan sa kaginhawahan;
At mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain.
14 Kaw. 3:22;Is. 54:13;Juan 6:45.Ang pakikipagibigan ng Panginoon ay nasa nangatatakot sa kaniya;
At ipakikilala niya sa kanila ang kaniyang tipan.
15 Awit 141:8.Ang aking mga mata ay palaging na sa Panginoon;
Sapagka’t Awit 31:4.huhugutin niya ang aking mga paa Awit 9:15.sa silo.
16 Awit 69:16;119:132.Panumbalikan mo ako, at maawa ka sa akin;
Sapagka’t ako’y nag-iisa at nagdadalamhati.
17 Ang kabagabagan ng aking puso ay lumaki:
Oh hanguin mo ako sa aking kapanglawan.
18 2 Sam. 16:12.Gunitain mo ang aking pagkapighati at aking damdam;
At ipatawad mo ang lahat kong mga kasalanan.
19 Masdan mo ang aking mga kaaway, sapagka’t sila’y marami;
At pinagtataniman nila ako ng mabagsik na pagkagalit.
20 Oh ingatan mo ang aking kaluluwa, at iyong iligtas ako:
tal.2.Huwag nawa akong mapahiya, Awit 16:1.sapagka’t nanganganlong ako sa iyo.
21 Magingat sa akin ang pagtatapat at katuwiran,
Sapagka’t hinihintay kita.
22 Awit 130:8.Tubusin mo ang Israel, Oh Dios, mula sa lahat na kaniyang kabagabagan.