1 Iyong hatulan ako Awit 7:8;35:24;43:1.Oh Panginoon, sapagka’t ako’y lumakad 2 Hari 20:3.sa aking pagtatapat:
Ako naman ay Awit 25:2;31:14.tumiwala sa Panginoon, na walang bulay-bulay.
2 Awit 17:3;139:23.Siyasatin mo ako, Oh Panginoon, at iyong subukin ako;
Subukin mo ang aking puso at ang aking isip.
3 Sapagka’t ang iyong kagandahang-loob ay nasa harap ng aking mga mata:
At ako’y lumakad sa iyong katotohanan.
4 Awit 1:1;Jer. 15:17.Hindi ako naupo na kasama ng mga walang kabuluhang tao;
Ni papasok man ako na kasama ng mga mapagpakunwari.
5 Aking pinagtataniman ang kapisanan ng mga manggagawa ng kasamaan,
At hindi ako uupo na kaumpok ng masama.
6 Ex. 30:19;Deut. 21:6;Awit 24:4;73:13.Aking huhugasan ang aking mga kamay sa pagkawalang sala;
Sa gayo’y aking lilibirin ang iyong dambana, Oh Panginoon:
7 Upang aking maiparinig ang tinig ng pagpapasalamat,
At maisaysay ang lahat na iyong Awit 9:1.kagilagilalas na gawa.
8 Panginoon, aking iniibig ang tahanan ng iyong bahay,
At ang dako na tinatahanan ng iyong kaluwalhatian.
9 Huwag mong isama ang aking kaluluwa sa mga makasalanan,
Ni ang aking buhay man sa mga mabagsik na tao:
10 Na ang mga kamay ay kinaroroonan ng kasamaan,
At ang kanilang kanan ay puno ng mga suhol.
11 Nguni’t tungkol sa akin ay lalakad ako sa aking pagtatapat:
Iyong tubusin ako, at mahabag ka sa akin.
12 Ang aking paa ay nakatayo sa isang panatag na dako:
Awit 22:25.Sa mga kapisanan ay pupurihin ko ang Panginoon.