1 Ang Panginoon Awit 84:11;Is. 60:20;Mik. 7:8.ay aking liwanag, at Ex. 15:2.aking kaligtasan: kanino ako matatakot?
Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak?
2 Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman,
Ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila’y nangatisod at nangarapa.
3 Awit 3:6.Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin,
Hindi matatakot ang aking puso:
Bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin,
Gayon ma’y titiwala rin ako.
4 Awit 26:8.Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin;
Na ako’y makatahan Awit 65:4.sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay,
Upang malasin Awit 90:17.ang kagandahan ng Panginoon,
At magusisa sa kaniyang templo.
5 Awit 31:20;91:1;Is. 4:6.Sapagka’t sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong:
Sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako;
Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato.
6 At ngayo’y matataas ang Awit 3:3.aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko;
At ako’y maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan;
Ako’y aawit, oo, ako’y aawit ng mga pagpuri sa Panginoon.
7 Dinggin mo, Oh Panginoon, pagka ako’y sumisigaw ng aking tinig:
Maawa ka rin sa akin, at sagutin mo ako.
8 Nang iyong sabihin, Awit 24:6;105:4.Hanapin ninyo ang aking mukha; ang aking puso ay nagsabi sa iyo,
Ang iyong mukha, Panginoon, ay hahanapin ko.
9 Awit 69:17.Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit:
Ikaw ay naging aking saklolo;
Huwag mo akong itakuwil, o pabayaan man, Awit 24:5.Oh Dios ng aking kaligtasan.
10 Is. 49:15.Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina,
Gayon ma’y dadamputin ako ng Panginoon.
11 Awit 25:4.Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon:
At patnubayan mo ako sa patag na landas,
Dahil sa aking mga kaaway.
12 Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway:
Sapagka’t mga sinungaling na saksi ay 1 Sam. 22:9;Awit 35:11.nagsibangon laban sa akin,
At ang Gawa 9:11.nagsisihinga ng kabagsikan.
13 Ako sana’y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ng Panginoon.
Awit 116:9;142:5.Sa lupain ng may buhay.
14 Awit 37:34.Magantay ka sa Panginoon:
Ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso;
Oo, umasa ka sa Panginoon.