1 Sa iyo, Oh Panginoon, tatawag ako;
Awit 18:2.Bato ko, Awit 35:22.huwag kang magpakabingi sa akin:
Awit 144:7.Baka kung ikaw ay tumahimik sa akin,
Awit 88:4.Ako’y maging gaya nila na bumaba sa hukay.
2 Dinggin mo ang tinig ng aking mga pananaing, pagka ako’y dumadaing sa iyo,
1 Hari 8:28,29.Pagka aking iginagawad ang aking mga kamay 1 Hari 6:5.sa dako ng banal na sanggunian sa iyo.
3 Huwag mo akong agawin na kasama ng mga masama,
At ng mga manggagawa ng kasamaan;
Awit 12:2;Jer. 9:8.Na nangagsasalita ng kapayapaan sa kanilang mga kapuwa,
Nguni’t kasamaan ay nasa kanilang mga puso.
4 2 Tim. 4:14.Bigyan mo sila ng ayon sa kanilang gawa, at ng ayon sa kasamaan ng kanilang mga gawain:
Gantihin mo sila ng ayon sa kilos ng kanilang mga kamay.
Bayaran mo sila ng ukol sa kanila,
5 Sapagka’t Job 34:27;Is. 5:12.ayaw nilang pakundanganan ang mga gawa ng Panginoon,
Ni ang kilos man ng kaniyang mga kamay,
Kaniyang ibabagsak sila, at hindi sila itatayo.
6 Purihin ang Panginoon,
Sapagka’t dininig niya ang tinig ng aking mga pananaing.
7 Ang Panginoon ay aking kalakasan at Awit 3:3.aking kalasag;
Ang aking puso ay tumiwala sa kaniya, at ako’y nasaklolohan:
Kaya’t ang aking puso ay nagagalak na mainam;
At aking pupurihin siya ng aking awit.
8 Ang Panginoon ay kanilang kalakasan,
At siya’y Awit 20:6.kuta ng kaligtasan sa kaniyang pinahiran ng langis.
9 Iligtas mo ang iyong bayan, at pagpalain mo Deut. 9:29;1 Hari 8:51,53;Deut. 9:29;1 Hari 8:51,53.ang iyong pamana:
Naging pastor ka rin naman nila, at alalayan mo sila magpakailan man.