Ang tinig ng Panginoon ay nasa malakas na hangin. Awit ni David.
1 Mangagbigay kayo sa Panginoon, 1 Cron. 16:28,29;Awit 96:7,9.Oh kayong mga anak ng makapangyarihan,
Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
2 Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan:
Inyong sambahin ang Panginoon sa 1 Cron. 16:29.kagandahan ng kabanalan.
3 Job 37:2, etc.Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig:
Ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog,
Sa makatuwid baga’y ang Panginoon sa ibabaw ng Awit 144:7.maraming tubig.
4 Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan;
Ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan.
5 Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro;
Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano.
6 Kaniya namang Awit 114:4,6.pinalulukso na gaya ng guya:
Ang Libano at Deut. 3:9.Sirion na gaya ng mailap na guyang baka.
7 Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon.
8 Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang:
Niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades.
9 Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa,
At hinuhubdan ang mga gubat:
At sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa’t bagay: Kaluwalhatian.
10 Ang Panginoon ay Gen. 6:17.naupo sa Baha na parang Hari;
Awit 10:16.Oo, ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man.
11 Awit 28:8.Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan;
Pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.