1 Dadakilain kita, Oh Blg. 7:10.Panginoon; sapagka’t itinindig mo ako,
At hindi mo Awit 25:2.pinagalak sa akin ang aking mga kaaway.
2 Oh Panginoon kong Dios,
Dumaing ako sa iyo, at Awit 6:2.ako’y pinagaling mo.
3 Oh Panginoon, Awit 86:13.iyong isinampa ang aking kaluluwa mula sa Sheol:
Iyong iningatan akong buháy, upang huwag akong Awit 28:1.bumaba sa hukay.
4 1 Cron. 16:4;Awit 97:12.Magsiawit kayo ng pagpuri sa Panginoon, Oh kayong mga banal niya,
At mangagpasalamat kayo sa kaniyang banal na pangalan.
5 Sapagka’t ang kaniyang galit ay Awit 103:9;Is. 26:20;54:7,8.sangdali lamang;
Awit 63:3.Ang kaniyang paglingap ay habang buhay:
Awit 126:5.Pagiyak ay magtatagal ng magdamag,
Nguni’t kagalakan ay dumarating sa kinaumagahan.
6 Tungkol sa akin, sinabi ko sa aking kaginhawahan:
Hindi ako makikilos kailan man.
7 Ikaw, Panginoon, sa iyong paglingap ay pinatayo mong matibay ang aking bundok:
Awit 104:29.Iyong ikinubli ang iyong mukha; ako’y nabagabag.
8 Ako’y dumaing sa iyo, Oh Panginoon;
At sa Panginoon ay gumawa ako ng pamanhik:
9 Anong pakinabang magkakaroon sa aking dugo, pagka ako’y mababa sa hukay?
Awit 6:5.Pupuri ba sa iyo ang alabok? magsasaysay ba ito ng iyong katotohanan?
10 Iyong dinggin, Oh Panginoon, at maawa ka sa akin:
Panginoon, maging saklolo nawa kita.
11 2 Sam. 6:14;Jer. 31:4,13;Panag. 5:15.Iyong pinapaging sayaw sa akin ang aking tangis;
Iyong kinalag ang aking kayong magaspang, at binigkisan mo ako ng kasayahan:
12 Upang ang pagluwalhati ko ay umawit na Awit 16:9;57:8.pagpupuri sa iyo at huwag maging tahimik:
Oh Panginoon kong Dios, ako’y magpapasalamat sa iyo magpakailan man.