Awit ng pagtutol at pagpapasalamat. Sa Pangulong manunugtog.
1 Sa Awit 22:5;71:1-3.iyo, Oh Panginoon, nanganganlong ako;
Huwag akong mapahiya kailan man;
Palayain mo ako sa iyong katuwiran.
2 Ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; iligtas mo akong madali:
Maging matibay na kanlungan ka nawa sa akin,
Bahay na sanggalangan upang iligtas ako.
3 Awit 18:2.Sapagka’t ikaw ang aking malaking bato, at aking kuta;
Awit 23:3.Alangalang nga sa iyong pangalan ay pangunahan mo ako, at patnubayan mo ako.
4 Awit 25:15.Hugutin mo ako sa Awit 9:15.silo na kanilang inilagay na lihim ukol sa akin; sapagka’t ikaw ang aking katibayan.
5 Luc. 23:46;Gawa 7:59.Sa iyong kamay ay inihabilin ko ang aking diwa;
Iyong tinubos ako, Oh Panginoon, ikaw na Dios ng katotohanan.