1 Mapalad Rom. 4:7,8.siyang pinatawad ng pagsalangsang,
Na tinakpan ang kasalanan.
2 Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng 2 Cor. 5:19.Panginoon,
At Juan 1:47.walang pagdaraya ang diwa niya.
3 Nang ako’y tumahimik, ay nanglumo ang Awit 102:3.aking mga buto
Dahil sa aking pagangal buong araw.
4 Sapagka’t araw at gabi ay 1 Sam. 5:6,11;Awit 38:2.mabigat sa akin ang iyong kamay:
Ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit. (Selah)
5 Aking kinilala ang Awit 51:3.aking kasalanan sa iyo,
At ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli:
Aking sinabi, Kaw. 28:13;Luc. 15:18,21;1 Juan 1:9.Aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon;
At iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan.
6 Dahil dito’y dalanginan ka nawa ng bawa’t isa na banal sa Awit 69:13.panahong masusumpungan ka:
Tunay na pagka ang mga malaking tubig ay nagsisiapaw ay hindi aabutan nila siya.
7 Awit 9:9.Ikaw ay aking kublihang dako; iyong iingatan ako sa kabagabagan;
Iyong kukulungin ako sa palibot ng mga awit ng kaligtasan. (Selah)
8 Awit 73:24.Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran:
Papayuhan kita na ang aking mga mata, ay nakatitig sa iyo.
9 Awit 33:18,22.Huwag nawa kayong maging gaya ng kabayo, o gaya ng mula na walang unawa:
Sant. 3:3.Na marapat igayak ng busal at ng paningkaw upang ipangpigil sa kanila,
Na kung dili’y hindi sila magsisilapit sa iyo.
10 Kaw. 13:21;Rom. 2:9.Maraming kapanglawan ay sasapit sa masama:
Nguni’t Awit 34:8;Kaw. 16:20;Jer. 17:7.siyang tumitiwala sa Panginoon, kagandahang-loob ang liligid sa kaniya sa palibot.
11 Awit 24:10;68:3.Kayo’y mangatuwa sa Panginoon, at mangagalak kayo, kayong mga matuwid:
At magsihiyaw kayo ng dahil sa kagalakan kayong lahat na matuwid sa puso.